COVID-19 Palatanungan: Pagsukat ng patuloy na epekto
Malinaw na ang pandemikong COVID-19 ay nagdulot ng kakaibang pagbabago sa bawat aspeto ng mga buhay natin. Umaasa kami na ikaw at ang mga mahal mo sa buhay ay nananatiling ligtas. Tumutugon ang Lungsod ng Vancouver sa pandemiko, nagtatrabaho upang mailaan ang mga mahahalagang serbisyo, at sinusuportahan ang mga pagsusumikap na alagaan ang lahat, kabilang ang mga pinakamatinding naapektuhan. Nagsasagawa kami ngayon ng maingat at naka-yugtong pamamaraan sa pagbubukas ng ilang pasilidad at muling simulan ang ilang serbisyo ng Lungsod, at ang prayoridad namin ay ang patuloy na kalusugan at kaligtasan ng lahat.
Gustong maunawaan ng Lungsod ng Vancouver ang patuloy na epekto ng COVID-19 sa iyo, ang mga naiisip mo tungkol sa Lungsod at sa “muling pagsisimula” ng Vancouver.
Para gawin ito, ipinakikilala namin ang Survey ng Pulso sa COVID-19 – isang survey na ilalabas namin tuwing tatlong linggo na nagtatanong sa iyo tungkol sa mga paksang ito. Sa pag-ulit ng survey na ito nang mahigit sa minsan, mapapakiramdaman namin kung paano nagbabago ang mga asal at pag-uugali ng publiko sa Vancouver sa paglipas ng panahon.
Ang mga sagot mo sa Survey ng Pulso sa COVID-19 ay magbibigay ng impormasyon sa aming pagpapasya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pananaw sa: kasalukuyang reyalidad sa lipunan at ekonomiko ng mga nakatira sa Vancouver at mga negosyo, asal at pag-uugali na kaugnay ng COVID-19, at ang iyong mga kaisipan at prayoridad na kaugnay ng Lungsod.
Pakibahagi ang iyong mga kaisipan at mga karanasang kaugnay ng COVID-19.